Saturday, October 4, 2014

HANDAAN

28th Sunday in Ordinary Time

Tayong mga Pilipino ay mahilig sa handaan o kainan; mapa fiesta, graduation, birthday, kasalan, binyag o kahit simpleng treat man yan. Hindi uso ang diet. Kaya naman nauso ang eat-all-you-can o rice-all-you-can. Kahit bottomless ice tea ay hindi pinalalagpas. Hindi tayo umuurong sa isang kainan. Ito ay ating pinaghahandaan. Hindi pa nga tayo kumakain nang marami bago sumabak sa isang kainan. Bakit nga ba masaya pumunta sa isang handaan? Bakit masarap kumain? Ito ay marahil sa taong nag-imbita sa atin sa isang handaan o sa mga taong makakasama natin sa kainan.


Sa ating ebangelyo ngayon, tayo ay inaanyayahan ng Diyos sa isang handaan. Dadalo ba tayo o hindi? Maghahanda ba tayo o hindi? Napakabait at mapagbigay ng Diyos. Pinaghahanda Niya tayo. Papansinin ba natin ito o hindi? Katulad ba tayo ng mga taong sa ebanghelyo; inimbitahan ngunit hindi dumalo, o yung dumalo pero hindi naghanda o nag-ayos man lang para sa handaan?


Tayo ay inaanyayahan ng Diyos na makasalo Niya araw-araw sa pamamagitan ng Eukaristiya o kahit sa isang oras lang sa loob ng isang linggo. May oras tayo para sa mga eat-all-you-can buffet o kahit ano pang handaan. May oras ba tayo para sa salu-salo na inihanda sa atin ng Diyos kung saan magiging kaisa natin Siya? Mapalad tayong inaanyayahan sa Kanyang handaan, sapagkat tayo ay bubusugin Niya ng pagmamahal
at tunay na kasiyahan.

DISCOVER, NURTURE, SHARE

27th Sunday in Ordinary Time

I enjoy watching talent search programs in television like The Voice Philippines, Talentadong Pinoy and the like. I enjoy seeing contestants showcasing their varied and distinct talents in front of their audience. And it gives me more joy whenever the contestants make the judges and the audience stand from their seats to clap and shout for joy. It really gives me a lot of joy.


If one has a talent or even a skill worth performing and watching, he must have the courage and confidence to showcase it to other people. Talents are blessings given by God to His children to be discovered, nurtured and shared. Every one of us has a talent to be discovered. We just have to find them within ourselves, within our hearts. Age and status in life do not really matter. As we discover these God-given talents in us, we are also being challenged to improve and nourish them. They are something God wants us to develop and later, to share.
 
Our talents are always directed for the good and happiness of others and for the glorification of the Lord. They are God’s blessing for us, more so for others. Be confident to discover, nurture and share your talent.

Saturday, September 13, 2014

ACTIVE OBEDIENCE

People do respect person of action rather than person who does too much talking. People gave higher respect to Mother Theresa because she did great things through small actions. In­deed, people of action are obedient because they listen from others. Their obedience is not only simple obedience but an active obedi­ence. By performing active obedi­ence, they are able to be merciful and compassionate towards oth­ers like Jesus. Mother Teresa was obedient to Jesus’ thirst and she answered by helping the poor.


People who actively obey will always be merciful because they know mercy that they have received. God has given them mercy through Jesus Christ so that they can repent from their sins and receive salvation from God. The prophet Ezekiel honored people who have contrite heart. These people always listen to God and ask for His mercy. They always try to seek God’s will and to imi­tate Jesus by prioritizing others more than themselves. Obedient and mercy belong to humble per­son because they always seek the good of others. They might not talk much but they indeed do act gracefully and obediently. 


Be a person of action in the world today!

COUNT YOUR BLESSINGS

Naalala ko noong umuwi ako sa bahay mula sa kumbento, nakita ko ang mga padala sa aking damit noong bata pa ako. Marun­ong na akong kumilatis ng brand kaya agad ko itong napansin. Ma­mahalin at hindi pala basta-basta ang mga damit na padala sa akin noon. Biglang pumasok sa isip ko na ako pala ang pinakabata sa aming mga magpipinsan. Apat na taong gulang palang ako, mga teenagers na silang lahat. Kaya pala kahon-kahon ang naiuuwi ng mga pinsan ko rito noon ay dahil napaglumaan ng mga pinsan naming ka-edad nila sa abroad ang mga padala sa kanila, samantalang ang mga padala sa aki’y mga bagong bili. Kung sa­bagay, hindi naman mayaman ang mga kamag-anak namin sa ibang bansa. Hirap din sila sa pagkayod ngunit naalala nila akong padalhan – padalhan ng mga bago. Noong mapagtagpi-tagpi ko ang mga ito, naibulong ko sa aking sarili; “Ah… ganoon pala ako kamahal.”

Ang pagmamahal ay hindi nasusukat. Hindi ito nabibilang. Hindi rin ito naihahambing. Kaya kung minamahal ka, huwag kang manunukat. Huwag kang magbibi­lang. Huwag kang maghahamb­ing. Tumatanggap ka lang. Walang may obligasyon na mahalin ka kaya wala kang karapatan sa tina­tanggap mo. Kaloob iyan. Regalo. Hindi man iyan perpekto – kaya kulang para sa iyo – isipin mo na­lang na ang tinatanggap mo ay ang the best na maibibigay ng nagma­mahal sa iyo.

Si Lord ang pinaka the best kung magmahal. Kung ano mang mayroon ka na kaloob niya – kaunti man yan o marami. Hindi lang iyan the best mula sa kanya. The best din iyan para sa iyo.

ANG TANDA NG KRUS

Ngayong Linggong ito, ipinagdiriwang natin ang Pagpa­parangal sa Banal na Krus o Exal­tation of the Holy Cross. Ano nga ba ang mayroon sa krus at bakit natin ito pinararangalan? Noong unang panahon, ang pagpapako sa krus ay isang paraan ng pagpapa­rusa sa mga kriminal. Ginagamit ito upang itanghal at ipahiya ang isang kriminal nang hindi na tu­laran ng iba.


Ang krus na ito ay pinasan ng ating Panginoong Hesus. Baga­mat siya’y walang sala, inako niya ang paghihirap at pagdurusa upang mailigtas ang sangkatau­han. Bagama’t siya’y hindi krimi­nal, ipinako siya sa krus upang matubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. Ang krus ay naging tanda hindi na la­mang ng pagpaparusa at ng pag­durusa. Ang krus ay naging tanda ng dakilang pagmamahal ng Diyos sa atin. 

Tayong mga Kristiyano ay nag-aantanda ng krus upang lagi nating matandaan kung gaano tayo kamahal ng Diyos – na sa pamamagitan ng krus, nakamit natin ang kaligtasan. Ipinapaala­la ni Hesus na nakapako sa krus na nakikiisa siya sa ating mga pagdurusa. Ang pagpasan natin ng krus sa ating buhay sa araw-araw ay mga pagkakataon upang tayo naman ang makiisa kay Je­sus – sa kanyang paghihirap, sa kanyang pagdurusa, sa kanyang pagmamahal.-