Saturday, February 15, 2014

FORGIVENESS

Naalala ko ang kwento ng isang binata sa isang recollection sa isang paaralan. Isang hindi malilimu­tang pangyayari ang naganap sa buhay niya kung saan umibig siya sa isang dalagitang napalapit ang loob sa kan­ya. Lingid sa kaalaman niya ay ayaw siya ng magulang ng dalagita kung kaya ginawa nila lahat ng maaari para mapalayo ang anak nila sa binata. Hu­mantong sa punto na halos masira ang tiwala ng binata sa mga magulang ng dalagita lalong-lalo na nung ginawan siya ng tsismis ng mga magulang nito sa kanilang lugar. Isang mahirap na pagsubok sa binata ang nangyaring iyon dahil na rin sa tiwalang ibinigay niya sa magulang na kung saan huwad na mabuting kalooban ang ipinamalas nila sa binata kapag kaharap nila ito.  



Ang paghihiganti ay hindi maiiwasan kung kaya mababasa na­tin sa tala ni Mateo ang turo ni Hesus tungkol sa pahihiganti sa kapwa lalong lalo na kung ang kapwang ito ay nak­agawa ng hindi mabuti sa atin. Hindi madaling gumawa ng mabuti lalo na sa mga taong ginagawa ang mga bagay na nagpapakulo ng dugo mo. Ito ay isang katapangan na hindi basta-basta maha­hanap. Ito ay katapangan na nagmumu­la sa paggawa ng tama at nararapat sa isang sitwasyon na walang pagkiling. Ang turong ito ni Kristo ay hawak niya lalong-lalo na nung napako siya sa Krus. 
  

Sa pagpapatuloy natin sa kwento ng binata, napag-alaman ko na kahit may poot syang nararamdaman sa magulang ng dalagita, hindi niya maiwasang patawarin ang mga ito da­hil sa pagmamahal niya sa anak nila. Lumayo na rin ang binata sa babae at sa pamilya nito pero kinalimutan niya ang galit nito sa magulang ng dalagita. Sa pagmamahal niya sa dalagitang ito

1 comment: