30th Sunday in Ordinary Time
Sa pag-ibig nakasalalay ang tanang kautusan ng Panginoon; pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Pagibig ang isinagot ni Hesukristo sa mga Pariseo na nagnais subukan ang Kanyang dunong, sa halip na matuto mula sa Kanya. Pag-ibig ang mensaheng ipinahayag Niya sa Kanyang pangangaral at gawi ng pamumuhay; pag-ibig na nakamit ang kasukdulan sa Kanyang pagaalay ng sariling buhay sa krus. Pag-ibig din ang inaasahan Niya mula sa atin na Kanyang iniibig nang lubos.

Ayon sa kahuwaran ni San Juan Crisostomo (Pseudo Chrysostom), pag-ibig sa Diyos ang isinagot ni Hesukristo, bilang pinakamahalagang utos ng Diyos at hindi takot, sapagkat sa alipin ang takot, sa mga anak ang pag-ibig; takot ang nasa sapilitan, pag-ibig ang nasa malaya. Hindi nais ng Diyos na paglingkuran Siya ng tao sa paraang pinaglilingkuran ng isang alipin ang kanyang amo. Pag-ibig ang nais ng Diyos, kapara ng pag-ibig ng isang anak sa kanyang ama, kung kaya nga ba kinupkop Niya tayo bilang Kanyang mga anak. Inibig tayo ng Ama.
Lantad ang pag-ibig ng Ama para sa atin, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo. Marapat, kung ganoon, lantad din ang pag-ibig natin sa Kanya;pagibig ng isang anak sa kanyang Ama. Isabuhay natin ang pag-ibig natin sa Diyos sa pag-ibig natin sa kapwa, kung hindi wala tayong pinagkaiba sa mga Pariseyo; sinusubukan at hinihiya lamang ang Panginoon.
No comments:
Post a Comment