Br. Jaymar Capalaran, OP
Bago pumasok sa eskwelahan ang mga mag-aaral, sila ay nag-aayos ng kanilang sarili. Bago pumasok sa trabaho, lahat ng empleyado ay nag-aayos din. Kahit sa pagdalo sa mga espesyal na pagdiriwang o kaganapan, ang mga dumadalo ay nag-aayos.
Ang pag-aaayos ng sarili ay napakahalaga hindi lamang dahil ito ay pangunahing gawain kung hindi isa rin itong maka-Kristiyanong gawain. Sa ating Ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus ang magandang mensahe ng Panginoon na ang kaharian ng Diyos ay malapit nang dumating. Sa paghahanda para ditto, lahat ay inaanyayahang magsisi at maniwala sa Magandang Balita, ang ating kaligtasan (cf. Mark 1:15). Sa madaling salita, mag-ayos ng sarili, sa Ingles, to bring ourselves into the order of goodness.
Ipinaalalahanan tayo ni Hesus na mag-ayos ng ating mga sarili hindi lamang dahil tayo ay may inaabangang party. Ayaw Niyang sa huli tayo ay magsisi. Sino ba namang ayaw makarating sa kaharian ng Diyos na puno nang kaayusan? Ako, ikaw, lahat tayo siyempre, gusto. Subalit bago pa man ito mangyari, handa ba tayong ayusin ang ating mga sarili? Maitatanong ba natin sa ating sarili: maayos na ba ako? Maayos na ba ang aking ugnayan sa Diyos? Maayos na maayos na nga ba? Kung hindi pa, tayo ay binibigyan ng panahon upang magsisi sa ating mga nagawang kasalanan at bigyang tuon ang paniniwala sa Magandang Balita. Ito ang nagbibigay kaayusan sa ating buhay. Kung itong maka-Kristiyanong uri ng pag-aaayos ay naisapuso at naisabuhay, masasabi natin sa huli, AYOS!

No comments:
Post a Comment