Saturday, August 24, 2013

ON FIRE

Malalim ang ibig sabihn ng apoy sa bibliya; sumisimbolo ito sa presensya ng Diyos at ng kanyang mga gawa dito sa lupa. Nagpakita si Yahweh kay Moises bilang apoy sa halamanan ngunit hindi ito natupok (Exodo 3:2). Si eliseo ay pinalibutan ng mga kabayong may karuwaheng apoy laban sa mga taga-Siria (1 Hari 6:17). Ang apoy ay ginamit bilang pangdalisay, tulad ng pagdadalisay sa pilak at ginto (Zacarias 13:9). Sa aklat ni Isaias ginamit ng Panginoon ang apoy upang parusahan ang may sala (Isaias 66:15-16). Sa bagong tipan apoy ang sumisimbolo sa Espiritu Santo (Mateo 3:11 at Gawa 2:3).

Sa makatwid nung sinabi ni Jesus na “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa” ay tawag sa pagdadalisay at paglilinis ng ating puso na nagpaliyab sa puso ng ilan upang sumunod kay Hesus. Ang pagliyab ng puso ay nangangahulang puno ng inspirasyon, lakas ng loob, matinding determinasyon na kamtin ang isang mithiin. Ito’y naranasan na natin sa iba’t ibang paraan na may iba’t ibang dahilan. Subalit tayo ay may pagkakatulad sa isang bagay; kapag tinuloy natin ang ating mithiin tiyak merong kokontra, may masasaktan, at maraming suliranin. Kaya nga kahit magpamilya ay nag-aaway dahil ayaw nating may masaktan, nahihirapan, may umiiyak ni isa man sa atin. Kung hindi man maiwasan ang ganung sitwasyon gustonatin magkakasama parin tayo sa hirap man o ginhawa.



Ang pagsunod kay Hesus ay puno ng sakripisyo, walang seguridad, mapanganib, malapit sa kritisismo at pamimintas. Kaya naman puno ng alinlangan at pangamba ang pamilya ng taong tinawag ni Hesus. Pero para sa taong nagliliyab ang puso para kay Hesus hahamakin ang lahat masunod lamang Sya kahit kapalit nito’y mawalay sa mahal nyang pamilya. Mahirap mang unawaain ang pagwalay na ito, pero sigurado tayong pag si Hesus ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay at para sa kanya ang ating buhay wala nang dapat ipangamba o alalahanin pa dahil sa kanyang grasya tayo ay magiging isa sa kanya. Naway magliyab ang ating mga pusong sumunod kay Hesus. Mapanganib man ang daan na tatahakin, puno man ito ng suliranin wala tayong dapat alalahanin dahil ang puso’y sasaya lamang sa kanyang piling.

No comments:

Post a Comment