Tips Para Maging Happy Ngayong New Year
Br. Ariel T. Adolfo, OP
Maraming dahilan ang mga Pilipino para maging malungkot, gaya na lamang ng mga libu-libong Pilipino na umaalis at nangingibang bansa para maghanap-buhay. At gayundin naman karami ang mga pamilyang nangungulila sa kanila. Subalit, kilala rin ang mga Pilipino sa buong mundo sa pagiging masayahin sa anumang pagkakataon. Halimbawa na lamang, may ilang mga Pinoy na kahit nasunugan na o binaha ang kanilang tahanan, makikita pa rin ang ngiti sa harap ng kamera (makikita ito sa mga interviews nila sa telebisyon.)
Ang isa sa mga sekreto ng pagiging masayahin ay ang pagtanggap kung sino at kung anung meron ka. Kung minsan kasi hindi natin nakikita ang mga bagay na mayroon tayo, sa halip tinitignan natin ang mga bagay na mayroon ang iba. Kaya nagiging mahirap at malungkot ang buhay natin. Sa ating ebanghelyo, si Herodes ay agad na nasurpresa at na-alarma nang malaman niyang isinilang na ang susunod na hari ng mga Hudyo. Kaya naman gumawa agad siya ng hakbang at nagpatawag siya ng isang pagpupulong kabilang ang mga matataas na tao upang itanong kung saan isinilang si Kristo. Ito ay maaaring senyales ng hindi pagtanggap sa katotohanan.
Subukan nating tignan ang ating mga sarili sa mga grasyang natanggap at simulang tanggapin ang mga bagay na wala tayo. Sa gayong paraan, mas magiging masaya tayo.