Br. Francis Borre, OP
Mahilig ka bang makinig sa kuwento ng pari?
Sa isang seminar na aking dinaluhan, may isang babaeng nagpahayag ng kanyang pagka-dismaya sa homiliya ng isang pari. Para sa babae, ang kuwento ng buhay ng Diyos at ang mga Salita lamang Niya na matatagpuan sa Banal na Kasulatan ang kanyang nais marinig. Hindi siya interisado sa kung anumang kuwento meron ang pari lalo na kung tungkol lang naman ito sa personal na buhay ng pari.

Ang pagpapahayag ng buhay ng tao ay hindi lamang isang simpleng kuwento patungkol sa sarili. Ito ay pagpapahayag ng araw-araw na karanasan ng isang tao kasama ang Diyos; ang Diyos na nararanasan. Hindi ba’t tayo ay inaanyayahan ng Diyos na mamuhay kasama Siya sa tuwina? Hindi ba’t tayo ay inaanyayahan ng simbahan na bumuo at pagyamanin ang isang personal na relasyon sa Diyos?
Ang totoo nito, hindi lang kuwento ng pari ang kanais-nais pakinggan. Maging sino ka man, ang kuwento mong kasama ang Diyos ay kaayaaya ding pakinggan. Ang pagkukuwento mo tungkol sa iyong buhay kasama ang Diyos; ang pagtawag mo sa Kanyang pangalan sa tuwing ikaw ay nahihirapan; ang mga nakakatuwa mong karanasan sa buhay, ay nagdudulot ng labis na tuwa sa Diyos sapagkat laman Siya ng kwento mo. Ang iyong kuwento kasama ang Diyos ay maari ding maging isang inspirasyon para sa iba sapagkat nakapaloob sa kuwento mo ang kuwento ng Diyos.
No comments:
Post a Comment