Saturday, September 13, 2014

ACTIVE OBEDIENCE

People do respect person of action rather than person who does too much talking. People gave higher respect to Mother Theresa because she did great things through small actions. In­deed, people of action are obedient because they listen from others. Their obedience is not only simple obedience but an active obedi­ence. By performing active obedi­ence, they are able to be merciful and compassionate towards oth­ers like Jesus. Mother Teresa was obedient to Jesus’ thirst and she answered by helping the poor.


People who actively obey will always be merciful because they know mercy that they have received. God has given them mercy through Jesus Christ so that they can repent from their sins and receive salvation from God. The prophet Ezekiel honored people who have contrite heart. These people always listen to God and ask for His mercy. They always try to seek God’s will and to imi­tate Jesus by prioritizing others more than themselves. Obedient and mercy belong to humble per­son because they always seek the good of others. They might not talk much but they indeed do act gracefully and obediently. 


Be a person of action in the world today!

COUNT YOUR BLESSINGS

Naalala ko noong umuwi ako sa bahay mula sa kumbento, nakita ko ang mga padala sa aking damit noong bata pa ako. Marun­ong na akong kumilatis ng brand kaya agad ko itong napansin. Ma­mahalin at hindi pala basta-basta ang mga damit na padala sa akin noon. Biglang pumasok sa isip ko na ako pala ang pinakabata sa aming mga magpipinsan. Apat na taong gulang palang ako, mga teenagers na silang lahat. Kaya pala kahon-kahon ang naiuuwi ng mga pinsan ko rito noon ay dahil napaglumaan ng mga pinsan naming ka-edad nila sa abroad ang mga padala sa kanila, samantalang ang mga padala sa aki’y mga bagong bili. Kung sa­bagay, hindi naman mayaman ang mga kamag-anak namin sa ibang bansa. Hirap din sila sa pagkayod ngunit naalala nila akong padalhan – padalhan ng mga bago. Noong mapagtagpi-tagpi ko ang mga ito, naibulong ko sa aking sarili; “Ah… ganoon pala ako kamahal.”

Ang pagmamahal ay hindi nasusukat. Hindi ito nabibilang. Hindi rin ito naihahambing. Kaya kung minamahal ka, huwag kang manunukat. Huwag kang magbibi­lang. Huwag kang maghahamb­ing. Tumatanggap ka lang. Walang may obligasyon na mahalin ka kaya wala kang karapatan sa tina­tanggap mo. Kaloob iyan. Regalo. Hindi man iyan perpekto – kaya kulang para sa iyo – isipin mo na­lang na ang tinatanggap mo ay ang the best na maibibigay ng nagma­mahal sa iyo.

Si Lord ang pinaka the best kung magmahal. Kung ano mang mayroon ka na kaloob niya – kaunti man yan o marami. Hindi lang iyan the best mula sa kanya. The best din iyan para sa iyo.

ANG TANDA NG KRUS

Ngayong Linggong ito, ipinagdiriwang natin ang Pagpa­parangal sa Banal na Krus o Exal­tation of the Holy Cross. Ano nga ba ang mayroon sa krus at bakit natin ito pinararangalan? Noong unang panahon, ang pagpapako sa krus ay isang paraan ng pagpapa­rusa sa mga kriminal. Ginagamit ito upang itanghal at ipahiya ang isang kriminal nang hindi na tu­laran ng iba.


Ang krus na ito ay pinasan ng ating Panginoong Hesus. Baga­mat siya’y walang sala, inako niya ang paghihirap at pagdurusa upang mailigtas ang sangkatau­han. Bagama’t siya’y hindi krimi­nal, ipinako siya sa krus upang matubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. Ang krus ay naging tanda hindi na la­mang ng pagpaparusa at ng pag­durusa. Ang krus ay naging tanda ng dakilang pagmamahal ng Diyos sa atin. 

Tayong mga Kristiyano ay nag-aantanda ng krus upang lagi nating matandaan kung gaano tayo kamahal ng Diyos – na sa pamamagitan ng krus, nakamit natin ang kaligtasan. Ipinapaala­la ni Hesus na nakapako sa krus na nakikiisa siya sa ating mga pagdurusa. Ang pagpasan natin ng krus sa ating buhay sa araw-araw ay mga pagkakataon upang tayo naman ang makiisa kay Je­sus – sa kanyang paghihirap, sa kanyang pagdurusa, sa kanyang pagmamahal.-


RESPONSABLENG PAGMAMAHAL

Ang pagmamahal ay isang responsibilidad. Hindi tayo nagma­mahal dahil masaya lang tayo sa ating nararamdaman o dahil may nakukuha tayong pabor sa ating minamahal. Nagmamahal tayo upang makamtan ng ating minama­hal ang pinakamaganda at pinaka­mabuti para sa kanya. Ngunit wala nang hihigit pa sa isang pagmama­hal na kung saan ang iyong mina­mahal ay mas napapalapit sa Diyos. Samakatuwid, ang pagmamahal natin ay dapat nakatuon sa tunay na pangangailangan at sa tunay na ikabubuti ng ating minamahal.

Sa mga pagkakataong lu­milihis ang ating minamahal sa mabuting landas, hindi ba’t ang pinakamainam na gawin, kung gusto nating patunayan na mahal natin siya, ay ituwid siya sa kan­yang mga gawain? Masasabi ba na­tin na tunay natin siyang minama­hal kung pababayaan natin siyang malunod sa kasamaan? Maaatim ba nating pagmasdan ang kanyang pagdusa kung alam naman nating may magagawa tayo para mai­wasan niya ito?   

Mga kapatid, magmahal tayo sa paraang itinuturo sa atin ng Diyos sa linggong ito. Sinabi ng Diyos kay propeta Ezekiel (33:7- 9) na dapat nating ilayo ang sinu­mang alam nating gumagawa nang kasalanan sapagkat ito ay ating re­sponsibilidad. Sinasabi naman ng ating Panginoong Hesu Kristo na gawin natin ang ating makakaya para maibalik natin sa tamang lan­das ang sinumang naliligaw. Ma­halagang ipagdasal natin ang mga mahal natin sa buhay at ang mga taong sa tingin natin ay lumalayo sa Diyos. Magmahal tayo nang respon­sable at maging responsable tayo sa ating mga minamahal sa buhay.


Tuesday, September 2, 2014

“But who do you say that I am?”



There is no question as to how God loves humankind. Just reflect on the five sorrowful mysteries. Imagine, in spite of His being the Son of God, Je­sus still chose to be scourged, crowned with thorns, carry a heavy wooden cross and even undergo the most humiliating punishment imposed on a criminal during His earthly life – Crucifixion!

Peter-a
That is God’s love for us. That portrays Jesus’ rela­tionship to us – “There is no greater love than to lay down one’s life for a friend!”

But who is Jesus to us? Who do you say that He is? In reality, the way we look at or re­gard Him reflects how we relate with Him. Is He a punishing God who scolds us whenever we commit mistakes? Or is He a friend who extends a hand whenever we fall down and tells us that all shall be well especial­ly in times of trouble?

Jesus would like to know: “But who do you say that I am?”

FAITH, PATIENCE AND HUMILITY


Jesus delayed his answer to the Canaanite woman who was crying “Have pity on me Lord, Son of David! My daughter is tormented by a demon.” Jesus did not say a word. The disciples grew impatient because it seemed nothing could be done with her problem. 
canwoBut the Canaanite woman was persistent. Jesus in the end seemed to have just delayed his answer to the woman to teach his disciples and also to teach us how to soften God’s heart. All the while the woman begging for Jesus to heal her daughter showed faith, patience and humility: faith, because she was asking healing for her daughter; patience, because even if Christ does not seem to answer she knew very well that Christ is listening; and humility, because she does not care if Israelites compare her to dogs. Even if dogs eat scraps from the table it is still food, and that food comes from Christ. For her a small portion is enough.

In our life, let us not lose hope when God seems not to hear our prayer. Let us follow the example of the Canaanite woman in faith, patience and humility.