Sa ebanghelyo sa araw na ito ay inaalala natin ang pagpapakasakit ni Hesuskristo. Ito ang pinakamalungkot ng yugto sa buhay dito sa lupa ng ating Panginoon. Sa pagkakataong ito, siya ay naiwang mag-isa upang harapin ang pinakamahirap na pagsubok- ang pagharap sa kanyang kamatayan. Ngunit bago pa ito ay hinarap niya muna ang mga pasakit sa kanya. Hinarap niya ang mga taong sa kanya ay may galit, mga taong may pagkainggit, mga taong gusto siyang mapahamak. Siya ay kanilang minura, nilapastangan, inalipusta at pinaratangan ng walang kalaban-laban. At sa bandang huli ay ang parusahan ng kamatayan ng walang hustisya, ang kamatayan sa Krus. Ito ay buong tapang niyang hinarap at bukas sa loob nyang tinanggap dahil sa ano? Ito ay dahil sa pagmamahal nya sa mga tao, ang pagmamahal niya para sa bawat isa sa atin.
Tayo man sa
buhay natin ay minsan dumadaan sa mga pagsubok. Minsan nakaranas na ng pagkabigo,
o kaya ay naloko ng kaibigan, di kaya’y
siniraan sa ibang tao. Nawalay ka na ba
sa iyong mga mahal sa buhay o ika’y iniwan ng mga taong iyong pinagkakatiwalaan
at marami pang pagsubok na maaring maranasan? Atin lamang isipin na hindi tayo nag-iisa
sa ating dinaranas. Ang mga ito’y
napagdaanan na ng Panginoon.
Naintindihan niya tayo sapagkat ito rin ay kanyang dinanas. Hindi niya
tayo iiwan bagkus tayo ay kanyang sasamahan.
Kaya dapat tayo ay hindi mawawalan ng pag-asa. Kung paanong buong puso
nyang tinanggap ang kamatayang para sa atin- buong ligaya naman niyang
napagtagumpayan ang lahat ng mga ito noong siya ay nabuhay na mag-uli. Sa pagsubok hindi tayo titigil lamang sa Krus
bagamat itutuon natin ang ating pansin na lagpas pa sa krus. Dito masisilayan
natin ang tagumpay ng muling pagkabuhay ng ating Panginoon!
Panginoon,
bigyan mo kami ng grasya upang mapagtagumpayan namin ang aming dinaranas at
laging magkaroon ng pag-asang dulot ng iyong pagkabuhay na muli.
DISCLAIMER
All images, musical scores or any third party content that appear in this blog belong to its respective owners.
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IN THE USE OF THE SAID MATERIALS.
This blog is for non-commercial use and is for religious, catechetical and educational purpose only.
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IN THE USE OF THE SAID MATERIALS.
This blog is for non-commercial use and is for religious, catechetical and educational purpose only.
No comments:
Post a Comment