Tiwala lang
Kapatid... Malapit Na!
By Br. Paulo Sillonar, OP
Ako ay isang seminarista.
Ako ay isang Dominikong seminarista.
Ako ay tao rin na kagaya mo
– nahihirapan, nasasaktan, nakararanas
ng mga pagsubok at problema.
Ako ay hindi kaiba sa iyo.
Sa loob ng anim na taon kong
pamamalagi sa seminaryo, hindi ko
mapigilang tanawin muli ang aking
mga karanasan at tingnan ang aking
katayuan ngayon. Maraming mga
bagay ang nangyari simula nang naisipan
kong pumasok sa seminaryo;
naranasan ko nang mapagtawanan,
mapagalitan, mahirapan at umasa.
Ito ay ilan lamang sa mga pagsubok
na aking naranasan at napagtagumpayan.
Kaya naman kapag naaalala
kong mga pagsubok na dumaan sa
aking buhay at ang mga pagkakataong
inakala kong hindi ko kaya, napapangiti
na lamang ako. Akala ko, hindi ako makakayang lampasan ang
mga pagsubok na iyon, pero nagkamali
ako. Nalampasan ko ang mga
iyon at napagtanto ko na walang
imposible kapag nagtitiwala tayo sa
Diyos.
Kaya naman sa panahon ng
Kuwaresma, ang ating ebanghelyo
sa Linggong ito (Palm Sunday of the
Lord’s Passion) ay nagpapaalala sa
atin na kapag nakararanas tayo ng
mga pagsubok sa ating buhay, kailangan
lamang nating harapin ito at
magtiwala sa Diyos kagaya ng ginawa
ng ating Panginoong Hesukristo.
Noong siya ay nakaranas ng paghihirap,
kanya itong tinanggap at hinarap
dahil alam niyang kasama niya ang
Diyos.
Mga kapatid, isa lamang sa
mga patunay ang ebanghelyo sa linggong
ito na tayo ay makakaranas ng
paghihirap. Ngunit ito ay hindi magtatagal.
Kaya tiwala lang kapatid.
Malapit na ang Linggo ng Pagkabuhay.
Sabay-sabay natin itong salubungin
nang may galak at tuwa sa
ating mga puso.
No comments:
Post a Comment