Saturday, February 8, 2014

SALT & LIGHT

Bawat mananampalataya sa nga­lan ng Diyos ay nagsisilbing liwanag sa bawat isa. Ito ay ang liwanag na gumaga­bay sa buhay natin at ng ating mga kapatid, upang makita, masaksihan at madama ang Diyos. Sa gitna ng mga pagsubok at mga balakid sa ating buhay, marahil naisip na natin na ang liwanag na ating tangan ay natabunan na ng kadiliman, na ang kabuti­han ay nahigitan na ng kasamaan sa mundo. 


Bilang mga Kristiyano, dala na­tin ang ilaw na magkukubli sa kadiliman sa pamamagitan ng atin ng pananalig at pananampalataya sa Diyos. Kung sady­ang magpapakabulag tayo sa kasamaan at tatalikdan ang Panginoon sa ating buhay, sadyang mawawalan na ng saysay ang ilaw na ating dinadala. Ating alalahanin na ang Diyos ay ang pinagkukunan natin ng liwanag. Siya ang ilaw na inaasahan nating magbibigay linaw at sagot sa mga katanun­gan natin sa buhay. Sa ating pagpupunyagi na itaguyod ang ating pananampalataya sa Dakilang Diyos, ay mapagwawagian natin ang anumang hadlang o pasakit na dala ng realidad at agos ng buhay. 


Sa ating ebanghelyo, inaanyaya­han tayo ng Panginoon bilang maging ilaw sa mundo- ilaw na magningning at mangin­gibabaw sa mata ng sangkatauhan. Walang sinuman sa atin ang mababalot sa kasa­maan at kadiliman kung sisikapin nating matagpuan ang liwanag buhat ng Diyos. Sa panahon kung saan ang ating simbahan ay patuloy na nagsisikap na ipalaganap ang mabuting balita at ipakilala ang Diyos, bawat isa sa atin ay kasama rin dito bi­lang saksi sa pagtitiwala at pagmamahal ni Kristo na siyang nagkaloob sa atin ng bu­hay. Kailanman ay huwag nating kalimutan na tayo’y bumubuo sa ilaw na magsilbing apoy at liwanag ng iba sa pakikipagtipan at pakikipagtagpo kay Kristo. Ito ay dahil sa ating buhay at gawa makikita ng iba si Kris­to, sapagkat ang kanyang presenya at alaala ay mananahan sa atin magpakailanman.

No comments:

Post a Comment