Lalaki:
Ibibigay ko ang lahat sa’yo, maging buhay at kaluluwa ko, sagutin mo lamang ako
aking giliw. Mahal na mahal kita. (habang humuhuni ng magandang awitin ang mga
ibon sa puno ng aratilis)
Babae: O sige
aking irog, I take your word for it… sinasagot na kita. (nagbablush ang pisngi)
(Paglipas ng
maraming buwan, nagsawa na si lalaki kay babae at nakatagpo na ng bagong
mamahalin…)
Babae: (habang
umiiyak) Totoo bang makikipaghiwalay ka na sa akin? Matapos kong ibigay sa’yo
ang aking pag-ibig, iiwan mo lamang ako. Akala ko ba’y ibibigay mo sa akin ang
‘yong buhay at kaluluwa, sagutin lamang kita?
Lalaki: (habang
nakangisi at naka-peace sign) hehehe, joke lang yun….
Sa mga
pagkakataong naiipit ang isang tao at hindi niya kayang sagutin ang mga
katanungang ibinabato sa kanya tungkol sa mga bagay na kanyang nasambit at
naipangako, ang malimit na pangtakas na kanyang idinadahilan ay nagbibiro
lamang siya nung mga pagkakataong iyon. Madalas ay nakakainisan natin ang mga
ganitong sagot dahil para bang hindi tayo siniseryoso ng taong may ganitong
pag-uugali, na para bang ang lahat para sa kanya ay biro-biro lamang.
Sa ating
ebanghelyo, hinihingi ni Hesu- Kristo sa kanyang mga tagasunod ang buong buhay
na pagsunod sa kagustuhan ng Diyos. Ang ibig sabihin, para sa ating mga
Kristiyano, hinihingi ng Diyos ang ating commitment. At ang pagsunod na ito ay
hindi biro-biro lamang.
Lubhang
napakahirap maging isang Kristyano. Biruin mo, sinabi ni Hesus na mahalin natin
ang ating mga kaaway. Joke ba yun? Makita mo pa nga lang ang taong kinaiinisan
mo ay gusto mo na syang tirisin. Sabi pa ni Hesus, kapag binato ka ng bato,
batuhin mo sya ng tinapay. Hello... Ang sakit kaya tamaan ng bato, hahampasin
ko na lang sya ng french bread para medyo matigas. Ang hirap nito di ba? Pero
ito ay hamon sa atin ng Panginoon. Ang pagiging tunay na Kristyano ay isang
pagtupad sa pangako nang sa ganun ay atin ding matanggap ang pangako ng Diyos
na buhay na walang hanggan.
Ang tunay na Kristyano ay tapat sa kanyang
sinumpaang pangako. Madaling sabihin ngunit lubhang napakahirap gawin. Pero
kung tayo ay tunay na committed sa ating buhay Kristyano, pagsusumikapan nating
maging isang tapat na alagad ng ating Panginoon. Ang pagkamatay ni Hesus sa
krus ay hindi isang biro, binigay nya ang kanyang buhay para sa atin. Kaya
naman nararapat na maging tapat tayo sa kanya, at hindi dapat joke lang.
No comments:
Post a Comment