Sunday, March 1, 2015

2nd SUNDAY OF LENT

Journey to the Ultimate 
By Br. Rocky Niño Manire, OP 

Options are always present when making choices. It is as if options and choices are in a serious commitment that they cannot go without the presence of the other. We can say that we cannot make a choice if there are no options. The dilemma of making a choice lies on the presence of options. To know whether your choice is the right option lies on how you would deal with it through the rest of your life. 

There are people who became successful because they made the right choice through the help of their faith in God, but before they could say it, they suffer failures several times. Despite these failures they continue to live; they mustered courage and endured pains and sufferings until they mastered everything. These failures transformed them into great men and women who showed the ultimate example of what real courage is all about. Those who have this kind of thinking view life as something which has to be consumed until the very last drop, to its maximum. For them, life is a journey with a goal, a journey which will ultimately lead a person to that one ribbon to claim the prize of victory. 

Faith leads us to that ultimate choice, to that one ribbon which is God himself. But we can never be there if we ourselves lack the necessary things needed to be a faithful servant. To make a choice among the many options in life is not an easy task; but with faith, we will surely be guided by the Holy Spirit to make the right choice.

3rd SUNDAY OF LENT

From Ashes, We are Reborn 
By Br. Beaujorne Sirad Ramirez, OP

Buildings in the metro are common sight for any person living in the city. These structures took many months or years to be completed. For every skyscraper envisioned, a deep foundation should be realized. However, will you deal with a mega structure that can be rebuilt after three days? Today’s gospel projects the same dilemma. The Jews cannot imagine how Jesus can rebuild a temple in three days when the actual structure took decades to finish. However, it was explained later in the gospel of John that the rebuilding that Jesus was so passionate about pertains to his body

In this passage, Jesus is reminding us of the importance of change. It is through rebuilding ourselves that we find peace and solace. In this world where everything is unimaginable, constant change is the only sure thing. It is through the rebuilding of the body of Christ that we find hope. In this 3rd Sunday of Lent, as we prepare ourselves to join Christ in His passion, let us remind ourselves of the importance of our bodies that

originated from the dust. From our remembrance of the dust, let us remember the power of Christ in renewing us through the immolation of His body.

4th SUMDAY OF LENT

In Search of Light 
By Br. Jose Nico Apa, OP 

“Well, you only need the light when it’s burning low, only miss the sun when it starts to snow, only know you love her when you let her go. Only know you’ve been high when you’re feeling low, only hate the road when you’re missing home, only know you love her when you let her go...”

These lyrics came from the song entitled “Let her Go” by Passengers. We only see the importance of things once we don’t have them anymore. When we have them, we take them for granted; we don’t pay them much attention--just like the gospel in this Sunday. The reading talks about the Light which symbolizes Christ. The Light has come to the world but people love the darkness rather than the Light. Most of us right now do not pay much attention to this Light but once when it is no longer with us we will find ourselves looking for it. We may be enjoying darkness right now, but a life without light has no direction. We need the Light to lead our way

The gospel in this Sunday reminds us that we should give our full attention to this Light, rather than just keep on ignoring It. Because once we give It our attention, I’m sure that Light will be with us forever, we will never be run out of light

5th SUNDAY OF LENT

Si Hesus na Aking Bayani 
By Br. John Andrew Bautista, OP 

Kinikilala at tinitingala natin ang ating mga bayani – sila ang mga taong nag-alay at nagbigay ng karangalan para sa bansa. Marami tayong mga narinig at nalaman tungkol sa ating mga sariling bayani na walang pag-aalinlangang inihandog ang kanilang sariling buhay dulot ng kanilang walang sawang pagmamahal sa ating Inang Bayan. Sino ba naman ang hindi makakakilala kina Gat. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gregorio Del Pilar at Sen. Ninoy Aquino na naging bahagi ng makulay na kasaysayan ng ating bansa. Ilan lamang sila sa ating mga pinagpipitagang bayani na ating nakikilala o napaguusapan sa paaralan, nababasa sa mga aklat, sa mga magasin o sa Internet.

Kung kinikilala natin sila bilang ating mga idolo o bayani sa sekular na mundo, sa ganito ring antas ng pagkilala dapat nating kilalanin, mahalin at papurihan ang ating Panginoong Hesukristo. Bilang kanyang mga tagasunod at kanyang mga tapat na mananampalataya, higit pa sa isang tunay na bayani ang Panginoong Hesus dahil sa kanyang naipamalas at naipadamang pagmamahal sa ating lahat. 

Sa ating ebanghelyo, ipinapahayag na palapit na ng palapit ang itinakdang oras ng Diyos kung saan buong maipapamalas ni Hesus ang kanyang dakilang kaluwalhatian. Ngunit sa kabila nito, naging kalakip at maituturing na kapalit ng misyon na ito ang pag-aalay ng sariling buhay ng ating Panginoon. Gayunpaman, alam mismo ni Hesus na bagamat Siya’y papanaw at lilisan dito sa lupa, hindi Siya kailanman mawawala sa puso at isipan ng mga tao.

Sa pamamagitan nitong mala-bayaning pagsasakripisyong ipinamalas sa atin ng Panginoong Hesukristo, nawa’y huwag natin itong kalimutan. Patuloy nating alalahanin ang mapagmahal na Diyos na nag-alay ng kanyang sariling buhay para sa kaligtasan ng sanlibutan.

PALM SUNDAY

Tiwala lang Kapatid... Malapit Na! 
By Br. Paulo Sillonar, OP

Ako ay isang seminarista. Ako ay isang Dominikong seminarista. Ako ay tao rin na kagaya mo – nahihirapan, nasasaktan, nakararanas ng mga pagsubok at problema. Ako ay hindi kaiba sa iyo. 

Sa loob ng anim na taon kong pamamalagi sa seminaryo, hindi ko mapigilang tanawin muli ang aking mga karanasan at tingnan ang aking katayuan ngayon. Maraming mga bagay ang nangyari simula nang naisipan kong pumasok sa seminaryo; naranasan ko nang mapagtawanan, mapagalitan, mahirapan at umasa. Ito ay ilan lamang sa mga pagsubok na aking naranasan at napagtagumpayan. Kaya naman kapag naaalala kong mga pagsubok na dumaan sa aking buhay at ang mga pagkakataong inakala kong hindi ko kaya, napapangiti na lamang ako. Akala ko, hindi ako makakayang lampasan ang mga pagsubok na iyon, pero nagkamali ako. Nalampasan ko ang mga iyon at napagtanto ko na walang imposible kapag nagtitiwala tayo sa Diyos. 

Kaya naman sa panahon ng Kuwaresma, ang ating ebanghelyo sa Linggong ito (Palm Sunday of the Lord’s Passion) ay nagpapaalala sa atin na kapag nakararanas tayo ng mga pagsubok sa ating buhay, kailangan lamang nating harapin ito at magtiwala sa Diyos kagaya ng ginawa ng ating Panginoong Hesukristo. Noong siya ay nakaranas ng paghihirap, kanya itong tinanggap at hinarap dahil alam niyang kasama niya ang Diyos. 

Mga kapatid, isa lamang sa mga patunay ang ebanghelyo sa linggong ito na tayo ay makakaranas ng paghihirap. Ngunit ito ay hindi magtatagal. Kaya tiwala lang kapatid. Malapit na ang Linggo ng Pagkabuhay. Sabay-sabay natin itong salubungin nang may galak at tuwa sa ating mga puso.