Love Story
Mk 13:33-37
Mk 13:33-37
Br. Glen Mar T. Gamboa, OP
May mga kaganapan sa atin na pang-MMK o Magpakailanman ang eksena. Drama o komedya sigurado may kwento ka, pero tingin ko mas makulay ang mga kaganapan kung love story.
Sa pamilya ako unang natutong magmahal hindi lang dahil natanggap ko ito mula sa magulang at mga kapatid pero dahil dito ko unang naramdaman ang pag-ibig ng Diyos. Hindi namin kaya ang mga pagsubok na dumating kung wala ang Diyos. Binigyan nya kami ng lakas at gabay para lampasan ang mga ito. Mas lalong umigting ang nadama kong pag-ibig niya sa panahong parang wala ng pag-asa, ngunit nagpadala siya ng mga taong handang tumulong sa gitna ng pangangailagnan. Ang pamilya ko at mga taong ito ay aking pinahahalagahan, lubos na pinasasalamatan, at pinagdarasal dahil sa kanila makulay ang love story ko sa Diyos ngayon. Ang mga taong pinahahalagahan natin sa ating buhay ay ang mga taong naging instrumento ng Diyos upang madama natin ang kanyang pag-ibig sa atin.
Sa unang linggo ng Adbiento, hinihikayat tayo na maging alerto at mapagmasid, maging handa sa pagbabalik ni Hesus. Marahil ang pinaka-mainam na paghahanda ay ang pagtukoy kung ano ang dapat pahalagahan natin sa buhay bilang isang Kristyano sapagkat dito natin madarama ang pag-ibig ng Diyos. Ang pagkakaron ng love story sa kanya ay ang sanhi ng tuwa, pag-asa, pagbabago sa ating buhay. Ang hiwaga ng kanyang pag-ibig ay patuloy na kumikilos sa atin at walang sino man o anu man ang makapaghihiwalay sa atin mula dito.
Handa ba nating pahalagahan ang love story natin sa kanya?

No comments:
Post a Comment