Wednesday, July 30, 2014

ANG NATATAGONG KAYAMANAN AT ANG PERLAS NA MAHALAGA

Hitik ang ating kapaligiran ng mga biyaya at pagpapala ng Panginoon para sa atin. Mababanaagan ang mga ito sa ating masiglang relasyon sa ating kapwa, matiwasay na pamumuhay, o ang katotohanang buhay ka pa rin sa sandaling ito. Ang mga ito ay pawang mga sinyales na tumutukoy sa higit pang pagpapalang ipinapakita sa atin ng Panginoon. Ito ay ang kanyang kaharian, ang makapiling ang Panginoon, at lubusang damhin ang kadakilaan ng Kanyang pagmamahal.


Sabi ni San Hilario ng Poitiers, matatagpuan ang yamang ito; ang kaharian ng langit, nang walang bayad; sapagkat ang Mabuting Balita ay bukas para sa lahat, ngunit ang magamit at makamit ito kasama ang kanyang bukid ay di maari nang walang bayad, dahil ang yamang mula sa kalangitan ay di nakakamit nang di nawawala ang mundong ito.


Di na natin kailangan pang hanapin ang pinakamahalagang yaman sa santinakpan; ang kaharian ng langit. Ito ay lantad na, nilantad, ipinahayag na ng ating Panginoon Jesu-Cristo sa atin. Ito ay mababasa at makikita sa Banal na Kasulatan, Katuruan ng Simbahan, at sa Sagradong Tradisyon ng Simbahang Katolika. Ngunit nananatiling malaking hamon sa bawat isa sa atin ang buong pagyakap at pagtanggap sa yamang iniaalok sa ating ng ating Panginoon Jesu-Cristo.

Ang pag-angkin sa kaharian ng langit sa kanyang kabuuan ay nangangahulugang ng pagtalikod sa anomang makamundong yaman, maging pagnanasa. Mahirap ito; ang isakripisyo ang mga makamundong yamang ipinundar nang maraming taon, isantabi ang mga luho at kapritso nakasanayan na atbp. Ngunit madadalian tayong talikdan ang anong yaman ng mundong ito kung lagi nating isasaisip, isasapuso at isasabuhay ang napakadakilang yamang ibinabahagi sa atin ng ating Panginoong Jesu-Cristo; ang yaman ng kaharian ng langit, ang makapiling Siya, magpakailanman. May hihigit pa ba rito?

Saturday, July 19, 2014

WHY PARABLES?

A reflection by Br. Valentinus Bayuhadi Ruseno, OP
16th Sunday in Ordinary Time
Matthew 13:24 – 30


“I will open my mouth in parables, I will announce what has lain hidden from the foundation of the world (Mat 13:35).”

Today’s Gospel features Jesus’ competence to teach the people in parables. In the synoptic Gospels (Matthew, Mark and Luke), the parables are abound. But, why did Jesus deliver His message in the parables? Is it not better to speak in straightforward fashion to avoid confusion and misinterpretation?

One of the probable reasons is that telling parables is something particularly Eastern way of understanding. Like Confucius, Buddha, and some other great gurus of the East, Jesus had penchant to teach through stories. This is a beautiful way of expressing the truth precisely because it appeals to the ordinary experience of His disciples. When Jesus met the people from the agricultural context, He said the parable of the sower. And, when He encounters people living in the cities of commerce, He taught parables on investment of talents. But, there is a profound truth lies beneath.


Reading parables posts a fundamental difficulty for some of us. Often, the truth seems fluid and escapes direct understanding. What is this all about? Can he just tell us what He wanted to tell us? We cannot blame Jesus for being a Jew and teaching through parables, but we may trace our tendency for looking the plain and even instant answer from our highly Westernized education system. Gerhard Lohfink, an author of Jesus of Nazareth, revealed the western obsession to facts and data. Truth has to be measurable, observable and verifiable. Thus, things that fall short of these categories, has no claim to be called truth. I do not say that Western style of learning is not good, but I am saying it differs greatly from the ancient East. In fact, without rigorous and discipline sciences of the West, it is impossible for us to have a computer to type this reflection and a printer to produce this article you are reading now!

When we encounter Jesus and His parables, we are invited to set aside our western-trained mind and see the beauty of the parables. In this fast-moving world, reading parables slows us down and allow us to reflect. We need to chew them slowly and let the truth unveil itself in our own understanding. As a novice preacher, parables are a great help for me. When I write a reflection on one of Jesus’ parables, I spend a moment of silence every day for a week, just to have a dialogue with the parable. How can I relate the parable of the good soil into my life as a students? How does the parable of the yeast speak for married people? Amazingly, the parables always give me fresh answers.


Dear brothers and sisters, often, we are like the disciples. We are impatient and rushing in looking for the meanings behind various happening in our lives. Why did I flank the exam? Why didn’t I have an ordinary and normal family? Why did my close friend have to suffer HIV? Please, Lord, answer me now! There is no easy and fast solution to those questions. The more we demand, the more we are frustrated. Thus, Jesus taught us the parables. He gave us a method to cope with life’s hardest moments, to walk straight in a crooked way and to rise again every time we fall. Fr. Timothy Radcliffe, OP, my favorite author, once said that hope is not about attaining our expectations or a quick fix to our problems, but despite an unwanted results, we are still able to discover meanings. Let us enjoy every parable we encounter, let them sink deep into our system and allow them to lead us into God’s time and wisdom.

Saturday, July 12, 2014

Naghahasik pa rin ng Binhi ang Magsasaka


Minsan, sa pakikipag-kwentuhan ko sa isang kaibigan, nabaling ang aming usapan sa isa pang kakilala namin. Di ko namalayan, napunta na kami sa panlalait sa kanya. At napansin ko na habang nag-uusap kami at negative pa rin ang usapan, nagiging tense din ako, nagsimulang maging negative din ang aking nararamdaman. Bago kami nabaling sa usapang iyan, masaya kaming nagkukuwentuhan. Matiwasay at mapayapa ako. Pero nung nagsimula kaming manlait at pagtawanan ang kapwa, nawala ang kapayapaan at katiwasayan; naging balisa ako, medyo galit, at malungkot din.  Naghiwalay kami ng aking kausap, nagtatawanan pa rin sa panlalait sa kapwa, pero may masamang lasa sa aking kalooban at buong araw na balisa at mainit ang ulo. 

Habang binabalikan ko ngayon ang aking karanasan, nakita ko rin na hindi lamang sa pagkakataon na iyon na ganito ang nangyari. Sa bawat pagkakataon na nilait ko ang aking kapwa, naging malungkot at hindi kanais-nais ang aking naramdaman. Pero kapag ang usapan ay tungkol sa mga mabubuti, ang epekto ay kapayapaan at kasiyahan na nagtatagal. Natatapos ang usapan, pero umaalis ako na buo ang aking pakiramdam; hindi nabawasan ang aking pagkatao di gaya nang kapag ang pinag-usapan ay panlalait o sa mga iba pang hindi kanais-nais na bagay.  

Sabi ni Thomas Merton, isang Trappist monk, “Ang bawat minuto ng ating buhay ay nagdadala ng mga binhi ng pagmumuni-muni kung saan nakikipangusap ang Diyos.” Sabi rin ni William of St. Thiery, isa pang dalubhasa sa buhay spiritwal, “Umaalingawngaw ang boses ng Diyos sa kalawakan, ngunit hindi natin naririnig, sapagkat hindi tayo nakikinig.” Si Hesus ay Emmanuel, “ang Diyos na nasa ating piling.” Bawat minuto at sandali, kinakausap niya tayo sa pamamagitan ng ating pakiramdam, sa pamamagitan ng ibang tao, sa lahat ng kanyang mga ginawa.
 

Kung babalikan natin ang mga pagkakataon na ramdam natin ang ating pagiging tunay, hindi ba ito yaong mga pagkakataon na kumilos tayo bilang mga tao—at hindi mga hayop? Yaong nagpatawad tayo, umintindi ng iba, hindi pinahintulutan na manaig ang galit o sama ng loob; ang mga pagkakataon na ginawa natin ang ating katungkulan bilang mga magulang, anak at kapatid; ang mga pagkakataon na tumigil tayo upang damhin ang ganda ng isang tanawin, magdasal sa gitna ng katahimikan, o makipag-usap sa matalik na kaibigan; pati ang lasapin ang sarap ng kape sa umaga at magpasalamat sa kabutihan ng Diyos—sa lahat ng mga ito nandoon ang binhi ng Salita na inihahasik ng Panginoon, at magbubunga ng kabanalan. 

Patuloy na naghahasik ang Diyos ng Kanyang Binhi sa ating mga kalooban; nawa matuto tayong tumigil panandali at tanggapin ang mga binhing ito.