Saturday, May 11, 2013

Are you in love?


Maraming paraan daw kung paano malalaman kung in-love ang isang tao. Bukod sa mabilis ang heart-beat, ngumingiti-ngiti rin siya ng mag-isa. Minsan, kapag tinatanong, iba ang sagot, kung minsan naman, “Ha?” ang sinasabi. Mainitin rin daw ang ulo ng taong in-love: kauting bagay lang galit na.  Iilan lamang ito sa mga palatandaan, ngunit ito’y mababaw pa. 
 
Sa ibat-ibang uri ng pagmamahal, may ibat-ibang uri ng palatandaan at pagpapatunay o “proofs”. Ang pag-ibig ay hindi nadadaan sa sabi-sabi lamang: hindi ito paramihan ng “I love you” o ng “mwuah”. Ito ay ipinapakita sa mga kongkretong pamamaraan kagaya ng magiting na pagtanggap ng hamon at responsibilidad. Halimbawa na lang sa mga mag-asawa: nangako sila na walang iwanan “in sickness and in health” at magiging mabuting magulang sila sa kanilang mga supling. Mahirap ngunit ito ang tunay na in love.



Pagdating sa Diyos, ganoon din ang klase ng pagmamahal na nais Niya: ang pagmamahal na may pagpapatunay. Hindi natin masasabing tunay ang pagmamahal natin sa Kanya kung tayo ay tamad – kung tamad tayong sundin ang kalooban Niya. At hindi ibig sabihin na kung tayo ay madasalin tayo ay tunay na nagmamahal na. Minsan, ang ganda ng dasal, ngunit ang sama ng asal. Ayaw ng Diyos ng taong plastic; ang gusto Niya ay taong totoo na isinasakilos ang pananampalataya. Sinabi ni Hesus: “Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya ang aking mga salita. Siya ay iibigin ng aking Ama”. Samakatuwid, kung in love tayo sa Diyos, tayo ay susunod kay Hesus sa lahat ng bagay.



Panginoon, turuan mo pa kaming magmahal hanggang ang mga puso namin ay maubos. Sapagkat sa aming kawalan, doon mo kami pinupunan. Amen.

No comments:

Post a Comment