Sa unang linggo ng kuwaresma, binabalikan natin ang kuwento
ng panunukso kay Hesus sa disyerto. Inilalahad ng kuwentong ito kung paanong
napagtagumpayan ni Hesus ang bawat panunukso sa kaniya. Ang tagpong ito sa
kaniyang buhay ay nangyari pagkatapos siyang binyagan ni Juan Bautista sa ilog
Jordan. Sa pamamagitan ng kuwentong ito, inaanyayahan tayong tingnan ang ating
mga sarili at kilalanin ang mga tuksong malimit na umaakit sa atin nang sa
gayon mailapit natin ang ating mga sarili kay Hesus at mas maging katulad niya
tayo.
Ang bawat tukso ay nagpapakita sa atin ng mga bagay na wala
tayo at mga bagay na inaasam-asam natin sa mga pagkakataong madaling makamit
ang mga bagay na ito. Gumagawa ito ng landas na pamimilian natin na kalimitang
nakapaglilihis sa atin mula sa tamang landas. Ang bumigay sa tukso ang siyang
masama sapagkat sa ating paglihis, nakakasira tayo ng pagkakaibigan, pamilya,
tiwala, reputasyon at pagkatao.
Mahirap tuksuhin ang mga taong kontento. Si Hesus ay tinukso
sa kanyang kawalan – kawalan ng pagkain, kawalan ng yaman at kawalan ng
pangalan. Hindi nga ba’t ang mga tukso kay Hesus ay madalas ding tukso sa bawat
isa sa atin? Sino nga ba ang hindi natutukso sa masarap na pagkain lalo na sa
gitna ng matinding gutom? Sino ba ang hindi natutukso sa pera at yaman sa mundo
nating halos lahat ay kayang bilhin ng pera? Sino ba ang hindi natutuksong
magkaroon ng malaking pangalan na siyang puhunan sa kapangyarihan? Si Hesus ay
hindi nagpatukso sapagkat kahit gutom siya at dukha, alam niyang hindi siya
pababayaan ng Ama sa kaniyang mga pangangailangan at sa kaniyang pagsusumikap
na mabuhay na matuwid. Sa gitna ng mga tukso, tinuturuan tayo ni Hesus: mahirap
man ang buhay, kaya nating maging kontento; basta magsusumikap tayo darating
ang awa ang Diyos.
Mahirap ding tuksuhin ang mga taong tapat sa pangako. Ang
mga taong tapat sa pangako ay mga taong nagmamahal. Si Hesus ay tinukso
pagkatapos siyang binyagan ni Juan Bautista. Kalakip ng bawat binyag ang
pangakong palaging pipiliin ang Diyos at ang landas na mabuti. Lagi namang mabuti
ang hangad ng Diyos para sa atin. Kapag bumigay tayo sa tukso at lumihis tayo
sa kanyang landas, haharapin natin ang mga suliraning tayo rin mismo ang may
likha. Hindi nagpaparusa ang Diyos. Ang mga problema natin ay tayo rin ang mga
may gawa. Bininyagan tayo sa binyag ni Hesus. Katulad niya, may mga pangako
tayo hindi lang sa Diyos kundi pati rin sa kapwa. Kung magiging tapat lamang
tayo sa ating mga pangako papayapa ang mundo, pati ang ating mga isipan.
Bawat tukso ay pagkakataong piliin ang Diyos. Palaging may
tukso. Palagi ring may awa ang Diyos. Matangay man tayo minsan, basta
matututong bumangon, iaahon niya tayo.
Panginoon, tulungan mo akong piliin ka palagi at sa pagpili
ko sa iyo wala na sana akong hanapin pa. Amen. Sa unang linggo ng kuwaresma, binabalikan natin ang kuwento

ko sa iyo wala na sana akong hanapin pa. Amen.
No comments:
Post a Comment