Saturday, October 4, 2014

ANG PINAKAMAHALAGANG UTOS

30th Sunday in Ordinary Time

Sa pag-ibig nakasalalay ang tanang kautusan ng Panginoon; pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Pagibig ang isinagot ni Hesukristo sa mga Pariseo na nagnais subukan ang Kanyang dunong, sa halip na matuto mula sa Kanya. Pag-ibig ang mensaheng ipinahayag Niya sa Kanyang pangangaral at gawi ng pamumuhay; pag-ibig na nakamit ang kasukdulan sa Kanyang pagaalay ng sariling buhay sa krus. Pag-ibig din ang inaasahan Niya mula sa atin na Kanyang iniibig nang lubos.


Ayon sa kahuwaran ni San Juan Crisostomo (Pseudo Chrysostom), pag-ibig sa Diyos ang isinagot ni Hesukristo, bilang pinakamahalagang utos ng Diyos at hindi takot, sapagkat sa alipin ang takot, sa mga anak ang pag-ibig; takot ang nasa sapilitan, pag-ibig ang nasa malaya. Hindi nais ng Diyos na paglingkuran Siya ng tao sa paraang pinaglilingkuran ng isang alipin ang kanyang amo. Pag-ibig ang nais ng Diyos, kapara ng pag-ibig ng isang anak sa kanyang ama, kung kaya nga ba kinupkop Niya tayo bilang Kanyang mga anak. Inibig tayo ng Ama. 

Lantad ang pag-ibig ng Ama para sa atin, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo. Marapat, kung ganoon, lantad din ang pag-ibig natin sa Kanya;pagibig ng isang anak sa kanyang Ama. Isabuhay natin ang pag-ibig natin sa Diyos sa pag-ibig natin sa kapwa, kung hindi wala tayong pinagkaiba sa mga Pariseyo; sinusubukan at hinihiya lamang ang Panginoon.

HIPOKRITO KA BA?

29th Sunday in Ordinary Time

Ano ba ang mas mabuti; ang mamuna ka o ang mangutya ka? Ang pamumuna ay ang pagsasabi ng mga maling gawa ng kapwa na naglalayong maitama ang mga ito. Ang pangugutya naman ay pagsasabi ng mga maling gawa ng kapwa ngunit naglalayong idiin sila sa kanilang pagkakamali. Malaki ang pagkakaiba ng dalawa subalit maaari itong maging magkatulad kung ito ay gawa ng isang hipokrito


Ang salitang hipokrito ay mula sa salitang Griyeko na hupokritēs na ang ibig sabihin ay isang artista. Ang isang hupokritēs ay umaarte sa isang palabas; nagkukunwari bilang isang mabuti o masamang karakter. Ang isang hipokrito ay umaarte o nagkukunwari sa totoong buhay; nagkukunwari bilang magaling at walang kapintasan kumpara sa iba. Kaya madalas, siya ay namumuna o kaya nama’y nangungutya ng ibang tao sa paligid niya.

Sa ebangelyo, ang mga Pariseyo ay inilarawan bilang mga hipokrito o mapagkunwari; kunwaring matuwid, baluktot naman. Sa pagtatanong ng mga Pariseyo kay Hesus, sinusubukan nila ang dunong Niya. Bilang tapat at marangal na mamamayan, sumagot siya ng tama at tapat: “Ibigay kay Cesar ang nararapat kay Cesar, at ibigay sa Diyos ang nararapat sa Diyos”. Bilang Anak ng Diyos, namuhay si Hesus nang tapat at totoo-- di umaarte o nagkunwari kailan man.


Kung madalas man tayong mamuna ng kapwa, ito sana ay dahil nais nating maiwasto ang kanilang pagkakamali. Kung madalas tayong mangutya ng iba, iwasan na natin ito dahil wala itong maidudulot na mabuti. Sa halip, katotohan at katapatan ang pairalin natin upang mapabuti ang lagay ng ating kapwa. Iwasang maging hipokrito, mapagkunwari. Piliing maging tapat kapara ni Hesus!

HANDAAN

28th Sunday in Ordinary Time

Tayong mga Pilipino ay mahilig sa handaan o kainan; mapa fiesta, graduation, birthday, kasalan, binyag o kahit simpleng treat man yan. Hindi uso ang diet. Kaya naman nauso ang eat-all-you-can o rice-all-you-can. Kahit bottomless ice tea ay hindi pinalalagpas. Hindi tayo umuurong sa isang kainan. Ito ay ating pinaghahandaan. Hindi pa nga tayo kumakain nang marami bago sumabak sa isang kainan. Bakit nga ba masaya pumunta sa isang handaan? Bakit masarap kumain? Ito ay marahil sa taong nag-imbita sa atin sa isang handaan o sa mga taong makakasama natin sa kainan.


Sa ating ebangelyo ngayon, tayo ay inaanyayahan ng Diyos sa isang handaan. Dadalo ba tayo o hindi? Maghahanda ba tayo o hindi? Napakabait at mapagbigay ng Diyos. Pinaghahanda Niya tayo. Papansinin ba natin ito o hindi? Katulad ba tayo ng mga taong sa ebanghelyo; inimbitahan ngunit hindi dumalo, o yung dumalo pero hindi naghanda o nag-ayos man lang para sa handaan?


Tayo ay inaanyayahan ng Diyos na makasalo Niya araw-araw sa pamamagitan ng Eukaristiya o kahit sa isang oras lang sa loob ng isang linggo. May oras tayo para sa mga eat-all-you-can buffet o kahit ano pang handaan. May oras ba tayo para sa salu-salo na inihanda sa atin ng Diyos kung saan magiging kaisa natin Siya? Mapalad tayong inaanyayahan sa Kanyang handaan, sapagkat tayo ay bubusugin Niya ng pagmamahal
at tunay na kasiyahan.

DISCOVER, NURTURE, SHARE

27th Sunday in Ordinary Time

I enjoy watching talent search programs in television like The Voice Philippines, Talentadong Pinoy and the like. I enjoy seeing contestants showcasing their varied and distinct talents in front of their audience. And it gives me more joy whenever the contestants make the judges and the audience stand from their seats to clap and shout for joy. It really gives me a lot of joy.


If one has a talent or even a skill worth performing and watching, he must have the courage and confidence to showcase it to other people. Talents are blessings given by God to His children to be discovered, nurtured and shared. Every one of us has a talent to be discovered. We just have to find them within ourselves, within our hearts. Age and status in life do not really matter. As we discover these God-given talents in us, we are also being challenged to improve and nourish them. They are something God wants us to develop and later, to share.
 
Our talents are always directed for the good and happiness of others and for the glorification of the Lord. They are God’s blessing for us, more so for others. Be confident to discover, nurture and share your talent.